skiesandgripes

Tuesday, June 21, 2005

sewing kit

ang labo mo.

two years ago sabi ko kunin mo na, tutal di ko rin naman gagamitin. ayaw mo.
ayos lang, sabi mo.
kung sa bagay ba't mo naman kukunin matapos ko malamang pinagpalit mo ko kay eloisa.
un ba ung pangalan nya? tama eloisa.

ngayon naisipan mong magtext kasi kelangan mo na.
'kala ko ba tayo'y nagkalimutan na?
sabagay sa'yo naman un. isosoli ko nga.

pero anong sasabihin ko pag nakita kita?
"kumusta, mananahi ka ba?"
anong mararamdaman ko makalipas ang dalawang taon
na tila ako'y napariwara?

okay naman ako ngayon, pero di ko rin masasabi
lahat ng di ko sinabi nung iniwan moko para sa kanya.
kailangan pa ba?

huwag mo na lang munang kunin kaya?