skiesandgripes

Tuesday, June 21, 2005

sewing kit

ang labo mo.

two years ago sabi ko kunin mo na, tutal di ko rin naman gagamitin. ayaw mo.
ayos lang, sabi mo.
kung sa bagay ba't mo naman kukunin matapos ko malamang pinagpalit mo ko kay eloisa.
un ba ung pangalan nya? tama eloisa.

ngayon naisipan mong magtext kasi kelangan mo na.
'kala ko ba tayo'y nagkalimutan na?
sabagay sa'yo naman un. isosoli ko nga.

pero anong sasabihin ko pag nakita kita?
"kumusta, mananahi ka ba?"
anong mararamdaman ko makalipas ang dalawang taon
na tila ako'y napariwara?

okay naman ako ngayon, pero di ko rin masasabi
lahat ng di ko sinabi nung iniwan moko para sa kanya.
kailangan pa ba?

huwag mo na lang munang kunin kaya?

2 Comments:

  • At 11:23 PM, Blogger Bok | Rhon said…

    kainez tawa ako ng tawa. feeling ko ang bad ko kasi parang tila emotional ang post na 'to and yet heto ako laftir ng laftir! title pa lang napa-laugh na ako, para bang title ng episode sa maalaala mo kaya. pero infurnez ganda ng kulay ng blog ha! i like it! di naman pisante noh, kulang lang sa eklavu pero pretty pa din. lungkot din ako ngayon kasi kanina ko lang nalaman na break na pala si reichen at chip, yung gay couple na nanalo sa amazing race 4. im like so clueless! like ko pa naman sila as a couple and yet bruk na pala sila! gawa ako ng blog post about it!

     
  • At 5:22 AM, Blogger Popoy Olleus said…

    ang gulo??? nalito ako

     

Post a Comment

<< Home