skiesandgripes

Tuesday, June 06, 2006

Sa Iyong Pagbabalik



Mag-isa sa lamig
nakapanlulumo,
Nanaisin ko pa ang init
kung kamay mo ang hawak ko

Libong sakit ang iniluha ko
tanging mga labi mo ang nagpahilom nito
Alam kong higit pa sa libong luha
ang pag-ibig mo

Hahayaan kitang mahalin ang mundo
nais kong hayaan mo akong
Ibigin ka
Na ganitong kalayo

Kung itanong mo man
ni minsan

Hindi ako sumuko.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home